Tuesday, November 17, 2009

Sunrise in Guimba


This was taken early Saturday morning after the Ondoy onslaught somewhere in a flooded rice area in Guimba, Nueva Ecija.

...
Taken oct 10, 2009, 6.16am
..

Tuesday, June 09, 2009

Ang alamat ng ube

Pagpasok ko sa BPRE, empleyado na si Nestor. Anim kami sa Dorm 114 kaya nagkakasama kami nang matagal-tagal kahit after office hours. Kung pipili ako ng tatlong matingkad na katangian ni Pards, eto ‘yun: Masa, Gifted Singer, Palabiro.


Kung meron mang bayani ng mga laborer, tiyak si Nestor ‘yun. Lagi nyang kahalubilo ang mga JO (tawag namin sa mga wage earners on Job Order basis). Malapit din sya sa mga guard. Pagkain, sweldo, renewal ng contract, DTR, inumin, pulutan, tulugan. Pangunahing nasa isip niya ang mga karaniwang trabahador ng BPRE.


Nasa isip niya rin lagi ang pamilya at kamag-anak sa Guimba. Kaya siguro hindi madali sya kanya mag-asawa kaagad ay dahil gusto niya pang makatulong muna sa kanila. Minsan, nabanggit niya na nais niyang bumili ng traysikel para sa kanila.


Syempre, dahil sa kanyang masa personality, magaling siyang makisama. Pero kahit mga directors, siya ang gustong kaharap sa maboteng usapan. Isa si Nestor sa mga mangilan-ngilan na tao sa BPRE na walang kaaway.


2009 ang isa sa pinakamatingkad na yugto sa kanyang career bilang agricultural engineer at researcher ng BPRE. Kamakailan, iginawad sa kanya ng BPRE ang Natatanging Kawani for Research. Bago iyan, nanalo na rin siya ng Best Research Paper at Best Poster sa scientific gatherings. Lumipas ang mga awards na ito ngunit parang wala lang nangyari. Ganyan si Pareng Nestor, trabaho lang. Simple pa rin.



Kung masipag-sipag sana ang mga staff ni Oprah na maghanap ng talents sa Pilipinas, tiyak kasama sana si Nestor ni Charice Pempengco sa kanyang show. Pag nakita niya si Nestor, baka itanong niya pa: “Magkamag-anak kaya tayo?”


Kung meron mang isa pang career na naghihintay ki Nestor, sigurado patok siya bilang vocalist. Meron siyang natural na singing talent. Hindi siya pumasok sa music school o dumaan ng voice lessons pero kapag bumira siya, baka magtanong ka kung original CD ang naririnig mo.


Very positive ang outlook niya sa buhay. Madali niyang naidadaan sa biro at tawa ang kahit anumang hamon ng buhay.


“Para makatipid ka, hingi ka muna ng ketchup. Tapos, order ka ng extra rice. Kainan na. Tuloy lang ang subo. Kapag may nakakita sa’yo, baka maging chicken joy ang ulam mo.”


Ibinigay niya sa amin ang tip na ito na parang isang napakahalagang sikreto. May galak at tawa sa kanyang bigkas. Pakiramdam ko, kahit kapos ka sa pera, hindi ka kawawa. Pwede ka pa ring mag-adventure sa Jollibee.


Napakagaling niya sa self-deprecating humor. Kung meron mang paligsahan dito, tiyak, Champion siya.


Siya mismo nag-volunteer magkwento. Sabi ni Direk, “Nestor, Sammy, ‘wag kayong lalayo dahil mag-iihaw tayo ng tilapia mamaya. Kailangan naming ng uling.”


Sa Juness Beach Resort, pwedeng magpatattoo. Meron silang 3 folders na catalog ng mga design. “E, paano ako? Meron ba kayong puting ink?”


Ganyan siya. Hindi niya kailangang laiitin ang iba para magbigay kasiyahan.


Minsan, nagkakursunada siya sa isang white lady. Tawagin natin siyang Dulce. Napakaputi. Sabi nga, kung sila ang nagkatuluyan, malamang, ang mga anak nila baka magmukhang Dalmatian. Tawang-tawa siya kapag naaalala niya si Dulce. Kapag nakabiyahe siya, magbitbit siya ng kahit anong pasalubong para sa kanya. Medyo mahiyain siya kaya ipinapaabot niya na lang sa gate guard ang pakwan, ubeng halaya, at iba pa. Sisilip na lang siya sa kung saang sulok at aabangan si Dulce from a distance kung sa front gate o back gate dadaan pag-uwi at para makapagtimbre siya sa guard para maiabot ang kanyang padala.


“Wala din palang epekto ang ganoong klaseng thoughtfulness,” buntong-hininga niya.


Ngayon, dalawa na yata ang anak ni Dulce.


Nung malaman niyang pumupunta pala ako sa bahay ni Dulce noong mga panahon na ‘yun, saka lang niya napagtanto ang misteryo ng nakaraan.


“Aba, kaya pala walang epekto ki Dulce, eh, iba ang kumakain ng ube!” Biglang liwanag ang mukha niya. Nasagot na ang isang malalim na palaisipan.


Hindi kami naging kami ni Dulce. Syempre, bumilib ako ki Pareng Nestor.




...


Pards, Happy Birthday (this June 8)! Isa kang alamat! Sana mahanap mo na ang katapat mo. Pwede akong back-up photographer. Pwede rin akong bridal car service.